Private hospitals hindi pa binabaha ng COVID 19 patients
Kayang-kaya pa ang sitwasyon sa mga ospital sa bansa.
Pahayag ito ng Private Hospitals Association of the Philippines Inc. (PHAPI) sa kabila ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni PHAPI president Dr. Jose Rene de Grano, maliit lamang na bilang ang isinusugod sa ospital.
Aniya karaniwan sa mga nao-ospital na taglay ang 2019 coronavirus ay ang mga may comorbidities.
Sa pinakahuling tala ng Department of Health(DOH), nasa 8.5 percent ang COVID 19 positivity rate sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.