PBBM Jr: Karangalan ang patuloy na pagtitiwala ng sambayanan

PCO PHOTO

Isang karangalan para kay Pangulong Marcos Jr. ang patuloy na pagtitiwala ng taumbayan.

Pahayag ito ni Pangulong Marcos Jr., matapos lumabas sa OCTA Research Survey na nakakuha ang Punong Ehekutibo ng 80 porsiyentong performance rating at 83 porsiyentong trust rating.

Sa naturang survey, nakakuha naman si Vice President Sara Duterte ng 84%  performance rating at 87%  trust rating.

Isinagawa ang survey noong March 24 hanggang 28, 2023.

“Karangalan ng admiistrasyong Marcos-Duterte na kayoý paglingkuran sa abot n gaming makakaya kaya naman labis ang aming pasasalamat sa inyong patuloy na suporta,” pahayag ng Pangulo.

Read more...