Data breach sa PNP files iniimbestigahan

Nagsasagawa na ngayon ang pambansang pulisya ng imbestigasyon kaugnay sa pagka-“expose” ng personal information at iba pang datos ng kanilang mga tauhan.

Sinabi ni PNP Chief Rodolfo Azurin Jr., ang kanilang Anti-Cybercrime Group (ACG) ang nag-iimbestiga sa ulat na may 1.2 million records ng mga pulis at iba pa nilang empleado ang na=”breached.”

Reaksyon ito ng Azurin kaugnay sa ibinahagi ni  cybersecurity researcher Jeremiah Fowler na maging ang impormasyon ng mga police applicants ay nakompromiso.

Gayundin ang  “fingerprint scans,” police clearances at pirma.

 

Read more...