Nagsasagawa na ngayon ang pambansang pulisya ng imbestigasyon kaugnay sa pagka-“expose” ng personal information at iba pang datos ng kanilang mga tauhan.
Sinabi ni PNP Chief Rodolfo Azurin Jr., ang kanilang Anti-Cybercrime Group (ACG) ang nag-iimbestiga sa ulat na may 1.2 million records ng mga pulis at iba pa nilang empleado ang na=”breached.”
Reaksyon ito ng Azurin kaugnay sa ibinahagi ni cybersecurity researcher Jeremiah Fowler na maging ang impormasyon ng mga police applicants ay nakompromiso.
Gayundin ang “fingerprint scans,” police clearances at pirma.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.