CPP kinumpirma pagkamatay nina Benito at Wilma Tiamzon
Patay na ang mag-asawang Benito at Wilma Tiamzon, ang chairman at secretary general ng central committee Communist Party of the Philippines (CPP).
Sa pagkumpirma ng CPP, iginiit na inaresto ang mag-asawang Tiamzon bago pinatay ng mga sundalo.
Sa pahayag ng partido, sinabi na ang mag-asawang Tiamzon ay kabilang sa 10 katao na tinortyur matapos silang mahuli sa Samar noong nakaraang Agosto.
Iniulat ng militar na sina “Ka Laan” at “Ka Bagong-tao” ay namatay sa pagsabog ng sinasakyan nilang bangka sa dagat na sakop ng Catbalogan.
Nanlaban umano sa mga sundalo ang mga sakay ng bangka. Hindi na natagpuan ang mga katawan ng mag-asawang Tiamzon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.