Mataas na performance at satisfaction ratings, inspirasyon sa trabaho – Speaker Romualdez

By Jan Escosio April 20, 2023 - 12:04 PM

PDI PHOTO
Susuklian ng doble-kayod ng Kamara ang mataas na satisfaction at performance ratings na nakuha ni House Speaker Martin Romualdez. Base sa resulta ng  Tugon ng Masa  (TNM) Q1 2023 survey ng Octa Research, 83% ng Filipino ang may tiwala kay Pangulong Marcos, Jr., may  87% naman kay Vice President Sara Duterte, 50% kay  Senate President Juan Miguel Zubiri, 55% kay Romualdez, at 39%  kay Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo. Tiniyak ni Romualdez, kasama ang mga kapwa mambabatas sa Kamara, ay magta-trabaho para matugunan ang mga pangangailangan ng bansa at sambayanan. “This is not just a personal achievement but also a tacit recognition of the tireless efforts of the entire House and the dedication of my fellow lawmakers to pass laws and policies that benefit our country and our people,” aniya. Bagamat natupad nila sa Kamara ang pangako na isusulong ang 8-point socioeconomic agenda ni Pangulong Marcos Jr., tiniyak ni Romualdez na patuloy silang magpupursige na matupad ang kanilang mga mandato. “I would like to assure the public that under my leadership, we will redouble our efforts to prioritize the needs and concerns of the Filipino people. We will press on for the timely passage of laws for progress and development and those meant to address the serious challenges that our nation face,” diin pa nito. Sa nasabi din survey, nakakuha ng 80% performance rating si Pangulong Marcos Jr.,  84% kay VP Duterte, 53% kay SP Zubiri, 59% kay   Romualdez, at 41% kay  CJ Gesmundo. Sa hanay ng mga nabanggit na opisyal, si Romualdez ang nakakuha ng piinakamataas na pag-angat na +17% mula sa katulad na survey noong nakaraang Oktubre.

TAGS: House, OCTA, performance, Ratings, survey, trust, House, OCTA, performance, Ratings, survey, trust

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.