Lalaki sinaksak ang misis, tumalon sa gusali

Pagtakas o pagpapakamatay?

Ito ang hahanapanng kasagutan ng mga pulis kaugnay sa pagtalon ng isang lalaki mula sa ika-limang palapag ng isang gusali sa Tondo, Maynila ngayon umaga.

Diumano sinaksak ng 43-anyos na si Anthony Sy  ang kanyang misis bago ito nagtungo sa ikalimang palapag ng 1140 Building sa kanto ng Narra at Algue streets alas-7:55.

Aarestuhin ng mga rumespondeng pulis si Sy.

Nagkaroon ng negosasyon ngunit hindi nakumbinsi si Sy kayat tumalon na lamang ito.

Isinugod siya sa Metropolitan Hospital.

 

 

Read more...