Bagong EDCA sites inusisa ni Sen. Imee Marcos

By Jan Escosio April 19, 2023 - 10:08 PM

SENATE PRIB PHOTO
Kinuwestyon sa pagdinig ng Senate Committee on Foreign Relations ang mga karagdagang lokasyon na sakop ng Philippine- US Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA). Tinanong ni Foreign Relations Chairman Sen. Imee Marcos si Defense Sec. Carlito Galvez Jr., kung ang focus na ba ng gobyerno ay ang Taiwan Strait sa halip na ang West Philippine Sea dahil karamihan na ng mga EDCA sites ay matatagpuan sa hilagang bahagi ng Luzon. Ayon kay Marcos, interesado siya sa usapin ng EDCA sites dahil mukhang ‘random’ ang pagpili sa mga lugar ng base militar at malayo na ang layon nito sa modernisasyon ng hukbong sandatahan ng bansa. Binusisi rin ni Marcos kung isinuko na ba  ang territorial claims sa east at west sector ng bansa dahil tila nakatuon ang atensyonng gobyerno sa Taiwan Strait. Tugon naman ni Galvez, naka-concentrate pa rin ang depensa ng bansa sa West Philippine Sea at dumipensa rin ito na strategic para sa Pilipinas ang ginawang pagpili sa mga bagong lokasyon ng EDCA bases. Naunang sinabi ng DND na ang mga bagong EDCA sites ay makakatugon sa panloob at panlabas na banta at magpapalakas din sa disaster response capability ng bansa. Magkagayunman, duda ang ilan sa mga myembro ng komite dahil kung para sa pagpapahusay ng disaster response, bakit hindi napili ang Guiuan, Samar, Bicol at maging ang maraming lalawigan sa silangang bahagi ng bansa na madalas tinatamaan ng bagyo sa pagtatayuan ng mga bagong EDCA sites.

TAGS: DND, EDCA, Senate, Taiwan, US, DND, EDCA, Senate, Taiwan, US

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.