Mas mabigat na parusa sa “nuisance candidacy” iginiit ni Gatchalian

By Jan Escosio April 19, 2023 - 07:22 PM

SENATE PRIB PHOTO

Nais ni Senator Sherwin Gatchalia na maipasa na ang kanyang panukala na magbibigat ng mas mabigat na kaparusahan sa “nuisance candidacy.”

Ginawa ito ni Gatchalian sa gitna nang pag-iimbestiga ng Senate Committee on Public Order ukol sa “political killings,” partikular na ang pagpaslang kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo. Naniniwala ang senador na ang kanyang panukala ang isa sa maaring maging daan upang matuldukan ang mga kaso ng pagpatay dahil sa pulitika. Sa kanyang Senate Bill 1061 nakasaad na ang sinumang napatunayang may election offense, kabilang ang pagiging nuisance candidate, ay papatawan ng parusang kulong na isa hanggang anim na taon nang walang probation. Kasama rin sa parusang itinatakda sa panukala ang diskwalipikasyon sa anumang pampublikong posisyon, pag-alis ng karapatang bumoto, at magbayad ng multang P50,000 sa Commission on Elections. Gayundin, ang sinumang partidong pulitikal na mapatunayang nagkasala ay magbabayad ng multang hindi bababa sa P10,000.

TAGS: candidate, election, Killings, Nuisance, candidate, election, Killings, Nuisance

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.