Suplay ng tubig sa Metro Manila uubra sa El Niño

By Chona Yu April 19, 2023 - 05:38 PM

Tiniyak ng National Water Resources Board (NWRB) sa gitna ng banta ng pananalasa ng El Niño sa bansa.

Ayon kay NWRB Executive Director Sevillo David Jr., bagamat sapat ang suplay ng tubig, kinakailangan pa rin na magtipid sa paggamit nito.

Sinabi pa ni David na normal pa naman ang suplay ng tubig sa Angat Dam na nasa 197.29 meters na pangunahing source ng tubig sa Metro Manila.

“Sa tingin natin, may sapat tayong supply ng tubig para sa kababayan natin, partikular sa panahon ng tag-init. Kaya lang, kailangan natin ipunin… magkaroon ng conservation ng supply natin para mapaghandaan ang threat ng El Niño,” aniya.

Dagdag pa ng opisyal walang malaking epekto ang pagtataas sa water allocation sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) concessionaires sa 52 cubic meters sa buwan ng Abril.

“Ganoon pa man, kailangan natin i-monitor ang kasalukuyang development sa Angat Dam, lalo na sa pagpasok ng El Niño na posibleng pumasok bago magtapos ang taon at tatawid sa susunod na taon,” dagdag ni David.

Una ng sinabi ng NWRB na may contingency plan na ang kanilang hanay sakaling kapusin ang suplay ng tubig.

TAGS: angat tam, El Niño, NWRB, Tag-init, angat tam, El Niño, NWRB, Tag-init

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.