PBBM Jr., ipapatawag ang Chinese ambassador dahil sa US-Taiwan statement
Kakausapin ni Pangulong Marcos Jr. si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian kaugnay sa naging pahayag nito na hindi nagustuhan ng maraming Filipino.
Magugunita na sinabi ni Huang na hindi dapat na makialam ang Pilipinas sa isinusulong na Taiwan independence kung pinangangalagaan nito ang kapakanan ng 150,000 na overseas Filipino workers doon.
Tinutulan kasi ng China ang pagpapaigting sa ugnayan ng Pilipinas at Amerika sa pamamagitan ng pagtatayo ng konstruksyon sa apat na base militar na nasa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).
Ayon sa Pangulo, maari kasing nagkaroon ng “lost in translation” dahil hindi naman English ang pangunahing salita ni Huang.
Interesado ang Pangulo na marinig ang paliwanag ni Huang.
“I think there must have been an element of lost in translation. English is not his first language but I’m very interested to know what it is that he meant,” pahayag ng Pangulo.
Una nang sinabi ni Huang na misquoted siya ng media nang lumabas na mistulang pinagbabantaan ang Pilipinas.
Aminado ang Pangulo na nagulat siya sa naging pahayag ni Huang.
“I believe, I interpreted it as him trying to say that the PH should not provoke or intensify the tensions because it will impact badly on the Filipinos there. That’s how I take it and I will be talking to the ambassador soon and I’m sure he will be very anxious to give his own interpretation of what he was trying to say. We were all a little surprised but I just put it down to the difference in language,” pahayag ng Pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.