30,000 pabahay units target ng administrasyong-Marcos Jr. sa Bulacan
BULACAN–Aabot sa 30,000 housing units ang target na ipatayo ni Pangulong Marcos Jr. sa Bulacan.
Pinangunahan ni Pangulong Marcos Jr., ang groundbreaking ceremony ngayong araw para sa Pambansang Pabahay para sa Pilipino Housing Program.
Nabatid na sa Brgy. Gaya-gaya, San Jose del Monte City, itatayo ang siyam na eight-story buildings na Rising City Residential Project kung saan 1,800 housing units at commercial area ang ipagagawa sa 6.9 ektarya ng lupa.
Sa Brgy. Caingin, sa nasabi pa ring lungsod, ipatatayo ang San Rafael Heights Development Project na 3,920 residential condominium units sa pitong ektaryang lupa.
Walong 10-st0ry residential buildings o 1,920 housing units ang ipatatayo sa Mom’s Ville Homeowners Association Incorporated sa Brgy. Penabatansa bayan naman ng Pulilan.
Mayroon ding simultaneous groundbreaking ceremonies sa 12 ektaryang Pandi Terraces sa Brgy. Bagong Barrio sa bayan ng Pandi na mayroong 4,050 housing units.
Nasa 108 housing units naman ang ipatatayo sa dalawang ektarya ng Municipal Government of Guiguinto Employees Housing sa Brgy. Sta. Cruz, Guiguinto at 675 housing units sa 2.6 ektarya ng Pambansang Pabahay para sa Maloleno Program sa Brgy. Sa tor, Malolos City.
Ayon sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), nasa 130 memoranda of understanding na ang nalagdaan ng kanilang hanay at ng ibat ibang local government units sa buong bansa simula nang ilunsad ang Pambansang Pabahay program noong Setyembre.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.