Tadhana ng SIM Registration Act nasa SC na – Poe

By Jan Escosio April 19, 2023 - 08:53 AM

Nasa kamay na ng mga mahistrado ng Korte Suprema ang tadhana ng SIM Registration Law, ayon kay Senator Grace Poe.

“The fate of the SIM Registration Law now rests on the collective wisdom of the magistrates of the Supreme Court,” ani Poe, ang namumuno sa Senate Committee on Public Services.

Reaksyon ito ng senadora sa paghahain ng petisyon ng ilang grupo at indibiduwal sa Korte Suprema upang ideklarang paglabag sa Saligang Batas ang naturang batas.

Diin ni Poe, pinagsumikapan at ipinaglaban nila ang pagpasa sa batas na aniya ang pangunahing layon nila ay malabanan ang text scams at spams, na nakapanloko na ng maraming tao at naglalagay pa sa panganib sa kanila.

Pagtitiyak pa nito na hitik sa “safeguards” ang naturang batas para mapangalagaan ang karapatan ng mga konsyumer, gayundin ang ligtas na paggamit ng “devices.”

Aniya inirerespeto nila ang proseso sa Korte Suprema sa pagsusuri sa naturang petisyon.

 

TAGS: registration, SC, scam, sim, spam, tro, registration, SC, scam, sim, spam, tro

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.