Pulis na-contempt sa duda nang pagsisinungaling sa Senado

By Jan Escosio April 19, 2023 - 07:40 AM

SENATE PRIB PHOTO
Sa mosyon ni Senator Jinggoy Estrada, ipina-contempt ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs si Police Staff Sergeant Renevic Rizaldo matapos hindi makumbinsi ang mga senador sa mga sagot nito sa ginagawang pagdinig tungkol sa mga kaso ng patayan sa negros oriental. Si Rizaldo ang itinuturo ni Wilfred  Estiñoso na pulis na tumangging ipa-blotter ang bantang natanggap ng kanyang anak na si Juwin Estiñoso bago ito napaslang noong Nobyembre 2022. Bago napaslang ay tumakbong konsehal ng Bayawan, Negros Oriental si Juwin Estiñoso. Sa pahayag ng nakakatandnag Estiñoso, ibinahagi aniya sa kanya ni Juwin na  sinabihan siya ni Rizaldo na guni-guni lang nito ang bantang  natanggap. Bilang tugon, sinabi naman ni Rizaldo na hindi niya matandaang tinanggihan na mai-blotter ang naturang insidente. Ipinaalala naman ni Sen. Ronald dela Rosa, na dating naging hepe ng pambansang pulisya, ang tungkulin ng mga pulis sa taumbayan. Napag alaman naman na  naging police security ni Rep. Arnie Teves si Rizaldo. Sa patuloy na pagtatanong ay hindi pa rin nakumbinsi ang mga senador sa mga tugon ni rizaldo at sa paniniwalang nagsisinungaling ito ay nagpasya silang ipa-contempt na ang pulis.

TAGS: contempt, Killings, Negros Oriental, senate, teves, contempt, Killings, Negros Oriental, senate, teves

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.