Paglikas ng OFWs mula Taiwan may sapat na pondo, ayon kay Sen. Jinggoy Estrada

By Jan Escosio April 18, 2023 - 02:10 PM

 

May sapat na pondo para sa paglilikas ng overseas Filipino workers (OFWs) mula sa Taiwan sakaling kailanganin.

Pagtitiyak ito ni Senador Jinggoy Estrada at paliwanag niya 2/3 ng budget ngayon taon ng  Department of Migrant Workers (DMW) o P10.6 billion ang nakalaan para sa Emergency Repatriation Program ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Aniya sapat na ang halaga para sa repatriation ng may 200,000 OFWs sa Taiwan sa sandaling magdesisyon ang gobyerno na iuwi na sila dahil sa tensyon sa pagitan ng US, Taiwan at China.

Pagdidiin ng senador kailangan na palaging may contigency plans ang gobyerno para sa mga Filipino na nasa ibat ibang dako ng daigdig.

Kaya naman inaasahan ng senador na may nakalatag ng  strategic plans ang mga kinauukulqng ahensiya  ng gobyerno dahil ang kaligtasan ng mamamayan ang dapat na prayoridad sa lahat ng oras.

Idinagdag din ni  Estrada na wala siyang nakikitang masama kung mapaghandaan na ang mga hindi kanais-nais na pangyayari.

Bagamat aniya patukoy siyang  umaasa na mananaig ang diplomasiya sa sitwasyon sa pagitan ng tatlong nabanggit na bansa.

TAGS: jinggoy estrada, news, ofw, Radyo Inquirer, Taiwan, jinggoy estrada, news, ofw, Radyo Inquirer, Taiwan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.