Pilipinas target na maging malaria-free sa 2030

By Jan Escosio April 18, 2023 - 07:51 AM

 

 

Masidhi ang kagustuhan ng Department of Health na maging malaria-free na ang Pilipinas pagsapit ng  2030.

Ginanap kahapon ang malaria-free regional convention para mapabilis ang mga ginagawang hakbang at maabot agad ang nais na  malaria-free status sa buong bansa.

Sinabi ni Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na pursigido ang kagawaran na mawakasan ang lokal na hawaan ng malaria sa pagtutulungan ng pambansang gobyerno, mga lokal na pamahalaan, mga pribadong institusyon at non-government organizations (NGOs).

“We reiterate our commitment to achieving country-wide malaria-free status by 2030. The goal is within our reach, but we must continue our work to fully achieve this,” ani Vergeire.

Pagsisiguro pa ng opisyal na handa ang DOH na magbigay tulong sa lahat para matiyak na hindi na makakabalik ang naturang sakit.

TAGS: doh, malaria, news, Radyo Inquirer, doh, malaria, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.