Simula bukas ay tataas ang halaga ng gasolina at kerosene, samantalang matatapyasan ang presyo ng krudo o diesel.
Sa magkakahiwalay na abiso ng mga kompaniya ng langis, P0.30 at P0.10 ang madadagdag sa presyo ng kada litro ng gasolina at kerosene.
Samantala, P0.40 ang mababawas naman sa presyo ng kada litro ng diesel.
Bunga ito nang paggalaw sa presyo ng langis sa pandaigdigang-pamilihan.
Noong nakaraang linggo, nagpatupad ng “bigtime price hike” ang mga kompaniya ng langis – P2.60 sa gasolina, P1.70 sa diesel at P1.90 sa kerosene.
Ngayon taon, bumaba na ang halaga ng diesel ng P2.35 kada litro, samantalang tumaas na ng P8.95 ang gasolina at ang kerosene ay bumaba na ng P3.35 base sa paggalaw ng mga presyo bukas.
MOST READ
LATEST STORIES