Maguindanao councilor patay sa ambush, Pampanga official sugatan

By Jan Escosio April 17, 2023 - 07:09 PM

Binaril at napatay ng hindi nakilalang salarin ang isang konsehal ng bayan ng Datu Salibo, Maguindanao alas-9 kaninang umaga.

Patungo sa Session Hall ng Town Council ang 50-anyos na si Daemin Daglok Silongan, ng Barangay Poblacion, nang ito ay patayin.

Sinabi ni Police Major Roldan Kuntong, ang hepe ng pulisya ng bayan, kababa lamang ni Silongan ng kanyang sasakyan nang lapitan ito at barilin.

Aniya walang maituturing na kaaway ang biktima kayat wala itong security escort o armas.

Samantala, sa sugatan sa pamamaril si Pampanga Provincial Legal Officer Gerome Tubig kanina rin umaga.

Nabatid na sakay ng kanyang sasakyan at kapapasok lamang ni Tubig sa parking lot ng ospital sa Barangay Sto. Rosario sa lungsod ng San Fernando nang siya ay pagbabarilin.

Tumakas ang dalawang salarin sakay ng motorsiklo patungo sa direksyon ng Barangay Dolores.

Gumamit ang mga salarin ng kalibre .45 na baril base sa mga basyo ng bala na narekober.

 

TAGS: councilor, legal, maguindanao, Pampanga, councilor, legal, maguindanao, Pampanga

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.