PCSO magbibigay ng libreng taya sa 6/55 Grand Lotto

Kasabay nang pagdiriwang ng ika-13 anibersaryo ng kanilang Grand Lotto, magbibigay ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ng P100 halaga ng taya sa 6/55 lotto sa Miyerkules, Abril 19.

Sa post sa Facebook page ng ahensiya, nilinaw naman na ang libreng taya ay para lamang sa unang 100 lotto players na tataya ng hindi bababa sa P20 sa PCSO Games Hub sa Mandaluyong City.

Samantala, ang unang 30 na tataya sa lotto sa PCSO Branch Offices sa buong bansa ay bibigyan din ng libreng pataya.

Nilalaro ang 6/55 lotto tuwing araw ng Lunes, Miyerkules at Sabado.

Base sa pinakahuling impormasyon, ang jackpot prize sa Grand Lotto ay P29.7 milyon at maaring lumubo ito hanggang Miyerkules kung walang makakakuha ng “winning combinations” ng mga numero mula 01 hanggang 55 ngayon gabi.

 

 

 

Read more...