Anti-Terror Law pinag-aaralan na maikasa laban kay Rep. Arnie Teves
By Jan Escosio April 17, 2023 - 03:18 PM
Ibinahagi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na ikinukunsidera na ang paghiling sa Court of Appeals (CA) na kilalanin na bilang terorista si suspended Negros Oriental Representative Arnolfo Teves Jr.
Ginawa ito ni Remulla sa pagdinig ng Senate Committee on Public Order sa mga pagpatay sa mga opisyal ng gobyerno, partikular na kay Negros Oriental Rep. Roel Degamo. Sa pagdinig, naitanong ni Senate Majority Leader Joel Villanueva kung anong mga ebidensya ang kailangan para masabing ang isang indibidwal ay nagkagawa ng ‘acts of terrorism’ salig na rin sa Anti-Terrorism Law. Tugon ni Remulla, ang lahat ng nangyari noong Marso 4 na pagpaslang kay Degamo at sa walong iba pa sa pamamahagi ng ayuda sa kanilang mga kababayan ay maituturing ng terorismo. Saklaw aniya ng Anti-Terrorism Law ang ginawang recruitment, financing, gayundin ang pagbili at distribusyon ng mga armas. Sabi pa niya, ipupursige nila ang anggulo na ito at kung hindi mapapasuko si Teves ay gagawin nilang maliit ang mundo ng kongresista sa pamamagitan ng pag-designate sa kanya bilang isang terorista.Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.