Kelot kalaboso sa nakaw na celfone dahil sa GCash

By Jan Escosio April 17, 2023 - 12:50 PM
Naging malaking tulong ang GCash, ang e-wallet service ng Globe, para mahuli ang isang lalaki sa pagbebenta ng nakaw na mobile phone. Base sa ulat, inalok ni Fritz Kelly Siscar, ng Barangay San Bartolome, Quezon City, ang nakaw na cellphone sa marketplace sa social media account ng  may-ari ng telepono. Binayaran sa kanya ang cellphone ngunit matapos matanggap ang bayad ay sadyang hindi niya ito ibinigay. Nakipag-ugnayan na sa pambansang-pulisya ang may-ari ng cellphone, gayundin ang napagbentahan ng telepono. Sa tulong ng Globe GCash, natunton at naaresto si Siscar sa isang operasyon. Ang GCash ay  nakikipag-ugnayan sa mga awtoridad, gaya ng PNP, CIDG, CICC, at NBI upang protektahan ang kanilang mahigit 79 milyong subscribers mula sa mga kriminal, scammers, at fraudsters. Ang pagtutulungan ay nagresulta sa pagkakaaresto ng mga pinaghihinalaang scammers at sa pagharang sa mga kaduda-dudang accounts. Bukod dito, pinalawak ang adbokasiyang ito sa pagpapakalat ng kamalayan at kaalaman sa cybercrime activities, na pinaniniwalaan ng GCash na mahalaga sa pangkalahatang misyon na tiyakin ang seguridad ng mga Pilipino na gumagamit ng digital services. Paalala pa ng Globe, ang GCash ay hindi nagpapadala ng private messages para humingi ng  personal information, lalo na ang MPIN at One-Time Pin (OTP).

TAGS: GCash, Globe, scammer, GCash, Globe, scammer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.