Mga apektadong residente ng oil spill sa Pola Oriental Mindoro, binigyan ng ayuda ni Pangulong Marcos

By Chona Yu April 15, 2023 - 11:19 AM

(MPC pool)

 

Nagbigay ng ayuda si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga apektadong residente ng oil spill sa Pola, Oriental Mindoro.

Nabatid na tig P20,000 ang ipinamigay na ayuda sa 4,000 na benepisyaryo.

Kinuha ang pondo sa Department of Social Welfare and Development sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) at Emergency Cash Transfer (ECT) programs.

Nagmigay naman ang Department of Labor and Employment ng Certificate of Entitlement sa 10 mayors na nagkakakahalaga ng P102 milyon para sa 18,421 beneficiaries para sa TUPAD program,

Nagbigay ang DOLE ng tig PP3,550 sa 21 TUPAD program beneficiaries at P37,630 sa 10 recipients ng Government Internship Program.

Sa panig ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, namahagi naman ito ng fishing boats o bangka sa 50 mangingisda mula sa 10 lugar na apektado ng oil spill.

Nagbigay  din ang BFAR ng 140 sets ng multiple hook and line sa apat na local government units.

Nagbigay din ang BFAR ng  Certificate of Award for fish cage sa Minolo Cave Fisherfolk Association; at Balatasan Weavers Association na nagkakahalaga ng P1.5 milyon.

Binigyan din ng certificate of Entitlement for Fuel Subsidy ang 12 LGUs na nagkakahalaga ng P12 milyon.

Sa panig ng Department of Trade and Industry, nagbigay  ng 10 mock checks na nagkakahalaga ng tig P10,000 sa 10 micro-enterprises mula sa munisipalidad ng Pola.

 

 

TAGS: ayuda, Ferdinand Marcos Jr., news, Oriental Mindoro, Radyo Inquirer, ayuda, Ferdinand Marcos Jr., news, Oriental Mindoro, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.