Pangulong Marcos nagpaabot ng pagbati sa mga nakapasa sa Bar exams

 

Nagpaabot ng pagbati si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga nakapasa sa 2022 Bar Examinations.

“Congratulations to our 2022 Bar Examination passers!” pahayag ng Pangulo.

Nasa 3,992 mula sa 9,183 examinees ang nakapasa sa Bar Examinations.

Nangangahulugan ito na 43.47 percent lamang ang nakapasa sa naturang pagsusulit.

Hangad ng Pangulo na magsilbi ang mga bagong abogado sa bansa ng may integridad at compassion.

“May you always serve our nation with integrity and compassion,” pahayag ng Pangulo.

Pawang mga taga University of the Philippines ang nakakuha sa Top 5.

Sa Mayo 2, 2023 nakatakda ang oath taking at roll signing ng mga nakapasa sa pagsusulit.

 

 

Read more...