Nakipagsanib puwersa ang lokal na pamahalaan ng Quezon City sa Food and Drug Administration para palakasin pa ang Micro, Small, and Medium Enterprises (BBMSME) program.
Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, isang memorandum of agreement ang nilagdaan ng lokal na pamahalaan at ng FDA para sa Bigyang-Halaga, Bangon MSMEs program.
Layunin ng MOA na mabigyan ng technical assistance at training on regulatory compliance, product registration, at iba pa ang mga maliliit na negosyante.
“We recognize the value of our MSMEs and their contribution to the local economy. This partnership will propel them forward as they seek the important certification from FDA to confirm the safety, efficacy, and quality of their food and cosmetic products,” pahayag ni Belmonte.
Sinabi naman ni FDA Director-General Samuel Zacate na hangad ng kanilang hanay na magtagumpay ang mga nasa MSMEs.
“Through our partnership with the local government of Quezon City, we aim to provide MSMEs with the resources they need to succeed. This includes access to training, technical assistance, and support in complying with regulatory requirements,” pahayag ni Zacate.
Sinabi nina Belmonte at Zacate na sa pamamagitan ng pagsuporta sa MSMEs, makalilikha ito ng trabaho sa mga manggagawa.