Sa tabi ng mga kapwa mahistrado ng Korte Suprema, inanunsiyo ni Associate Justice Alfredo Benjamin Caguioa ang resulta ng 2022 Bar examinations.
Ayon kay Caguioa, ang 2022 Bar chairman, sa 9,813 kumuha ng pagsusulit noong nakaraang Nobyembre, 3,992 ang nakapasa.
Ito ay nagpapakita ng 43.47 percent passing rate.
Ang 2022 Bar topnotcer ay si Czar Matthew Dayday mula sa University of the Philippines (UP) na nakakuha ng grado na 88.80%.
Pawang mga taga-UP din ang apat na sumunod sa kanya, Erickson Mariñas (88.76%); Christine Claire Cregencia (87.96%), Andrea Jasmine Yu (87.77%) at Kim Cia Catapia (87.42%).
Nasungkit naman ni Gabriel Gil Baes ng University of San Carlos ang ika-anim na puwesto sa nakuhang 87.25%.
Ika-pito si Luigi Nico Reyes, ng San Beda College – Alabang (87.19); ika-walo si Rio Mei Uy (87.05%); Mark David Vergara (87.00%) at Jaime Gabriel Orencia (86.90%), pawang mula sa Ateneo de Manila University.
Sa Top 30, 13 ang mula sa UP at walo sa Ateneo.
Ayon kay Caguioa, ang panunumpa ng mga bagong abogado ay itinakda sa darating na Mayo 2 sa Philippine International Convention Center (PICC).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.