Target ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na dagdagan pa ang buffer stock ng National Food Authority sa NFA rice.
Ayon sa Pangulo, in good shape o maganda naman ang kalagayan ng suplay ng bigas sa bansa.
Pero kailangan aniya na dagdagan pa ito para masiguro na hindi tataas ang presyo sa merkado.
Ginawa ng Pangulo ang pahayag matapos ang pagpupulong sa Palasyo kasama ang mga opisyal ng Department of Agriculture at NFA.
“We looked at much namang maganda naman ang situwasyon natin, hindi tayo magkukulang sa bigas. At tinitignan natin lahat ng paraan upang ang presyo ay macontrol natin at hindi naman masyadong tataas,” pahayag ng Panguulo.
Sabi ng Pangulo, sa ngayon, talagang mababa ang buffer stock ng bigas ng NFA.
“Magpa-plano kami kung kailangan mag-import, kung kailangan magpahaba, magparami ng buffer stock sa NFA dahil masyado ng mababa. ‘Yun lang ang nakita naming problema, mababa yung buffer stock ng NFA Kailangan bumili ‘yung NFA para umabot siya ng at least nine days na buffer stock. So yun ang pinaplano natin ngayon kung papaano nila gagawin. Dahil ang NFA kailangan bibilhin nila yung kanilang buffer stock, bibilhin nila sa local producer,” pahayag ng Pangulo.
Binabalanse ng Pangulo ang sitwasyon para hindi maapektuhan ang mamimili at ang mga magsasaka.
“Ang problema, kapag sila ay pumasok sa merkado, pagsila ay namili na para i-replace yung buffer stock na ang kulang nila ay tataas naman ang presyo ng bigas dahil marami silang bibilin. Kaya’t yun ang hinahanapan namin ng paraan para i-adjust. Siguro ang magagawa natin ay ang pagbili ay hindi bigla. Hindi malaki,” pahayag ng Pangulo.
Ayon sa Pangulo, sinisikap ng pamahalaan na masiguro na sapat ang buffer stock ng NFA.
Ibinida pa ng Pangulo na unti-unti nang lumalakas ang ani ng mga magsasaka ngayon ay nakababalik na sa pre-pandemic levels.
“In terms of the general supply for the country, I think we are in good shape. Although we’ll still have to import, our importations have come down. Our agricultural sector is beginning to come back beyond pre-pandemic levels. And so that’s progressing nicely,”
Sa ilalim ng DA 2023 supply outlook, nasa 16.98 milyong metrikong tonelada ang total suplay ng bigas.
Sapat ito para matugunan ang 15.29 milyong metrikong toneladang demand para sa buong taon.
Ibig sabihin, mayroong 1.69 milyong metrikong toneladang buffer stock na sasapat sa apatnaput limang araw sa halip na siyamnapung araw na ideal na buffer stock.