Pagkasa ng EDCA nais ni Sen. Imee Marcos na malimitahan

By Jan Escosio April 14, 2023 - 09:29 AM
Pinalilimitahan ni Senator Imee Marcos ang implementasyon ng Philippine – US  Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA). Kaugnay ito sa karagdagang apat na lugar na sasakupin ng kasunduan at ang dalawa ay sa Cagayan na malapit lamang sa Taiwan Strait, kung saan naman may tensyon sa pagitan ng China at Taiwan. Pag-amin ng senadora,  nangangamba siya sa magiging epekto sa bansa ng posibleng banggaan ng Taiwan at China at maging sa inaasahang pagsaklolo ng Amerika sa Taiwan. Aniya nakakabahala na dalawa sa mga EDCA sites ay malapit sa Taiwan ay madamay ang Pilipinas sakaling mauwi sa giyera ang tensyon. Bunsod nito, nais ni Marcos na magkaroon ng limitasyon sa pagkasa ng mga nakapaloob sa kasunduan. partikular na sa bilang ng mga sundalong Amerikano at sa panaho na kanilang itatagal sa Pilipinas.   Ito aniya ay upang hindi nakapirmi sa bansa ang mga sundalong Amerikano at matitiyak na mga Pilipinong sundalo pa rin ang naninirahan sa iba’t ibang kampo ng militar sa bansa.   Maliban dito, pinatitiyak din ni Marcos na malinaw sa mga probisyon ng EDCA na hindi magagamit ang mga itatayong pasilidad sa mga bagong EDCA sites bilang “staging area” ng mga posibleng opensa sa anumang bansa.

TAGS: China, EDCA, Imee Marcos, news, Radyo Inquirer, Taiwan, China, EDCA, Imee Marcos, news, Radyo Inquirer, Taiwan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.