Naging low pressure area na lamang ang Tropical Depression Amang.
Base sa 10:00 am advisory ng Pagasa, nasa karagatan ng Polilio, Quezon ang LPA.
Inaasahang magdadala ng malakas na pag-ulan ang LPA sa Rizal at Quezon.
Babala ng Pagasa posibleng makaranas ng pagbaha at landslide sa mga nabanggit na lugar.
Pinapayuhan ang mga residente na mag-ingat.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.