PCO logo binago, mala-kidlat na paghahatid ng balita ipinangako

 

Simula ngayong araw, binago na ng Presidential Communications Office ang opisyal na logo.

Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil, simbolo ito ng mas mabisa na pagbabahagi ng misyon bilang pangunahing ahensya ng ehekutibo sa paglalahad ng impormasyon sa publiko.

Makikita sa bagong PCO logo ang kidlat na tanda ng mabilis na pagpapadala ng balita.

Makikita rin ang araw na matatagpuan din sa watawat ng bansa, tatlong bituin na sumisimbolo sa Luzon, Vosayas at Mindanao.

Mayroon ding pluma ang bagong logo na sumasagisag sa pagsulat at komunikasyon.

 

 

Read more...