8 lugar nasa Signal Number 1 dahil sa Tropical Depression Amang

By Chona Yu April 13, 2023 - 06:58 AM

 

Walong lugar na lamang ang nasa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 dahil sa Tropical Depression Amang.

Base sa 5:00 am advisory ng Pagasa, kabilang sa mga nasa signal number 1 ang  Camarines Norte, tnorthwestern portion ng Camarines Sur (Sipocot, Cabusao, Bombon, Calabanga, Tinambac, Siruma, Lupi, Ragay, Del Gallego), eastern portion ng Laguna (Cavinti, Kalayaan, Paete, Pangil, Siniloan, Famy, Santa Maria, Lumban, Pakil, Mabitac), northern at eastern portions ng Quezon (Calauag, Infanta, Lopez, Plaridel, Quezon, Alabat, Sampaloc, Mauban, General Nakar, Perez, Gumaca, Atimonan, Real, Tagkawayan, Guinayangan) including Polillo Islands, eastern portion ng Rizal (Tanay, Rodriguez), eastern portion ng Bulacan (Norzagaray, Doña Remedios Trinidad), eastern portion ng Nueva Ecija (Gabaldon, General Tinio), at central at southern portions ng Aurora (Dingalan, Baler, Maria Aurora, San Luis, Dipaculao).

Kumikilos ang bagyo sa west northwestward sa coastline ng Camarines Norte.

Namataan ang sentro ng bagyo sa bisinidad ng Vinzons, Camarines Norte.

Ayon sa Pagasa, taglay ng bagyo ang hangin na 45 kilometro kada oras at pagbugso na 55 kilometro kada oras.

Bukas ng umaga, inaasahang nasa bisinidad na ng San Miguel, Bulacan ang bagyo.

 

 

TAGS: AMANG, Bagyo, news, Pagasa, Radyo Inquirer, AMANG, Bagyo, news, Pagasa, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.