Tropical Depression Amang nanatili sa Virac, Catanduanes

By Chona Yu April 12, 2023 - 08:23 AM

 

Patuloy na nanatili sa Lagonoy Gulf malapit sa Catanduanes ang Tropical Depression Amang.

Base sa 8:00 am advisory ng Pagasa, namataan ang sentro ng bagyo sa coastal waters ng Virac, Catanduanes.

Taglay ng bagyo ang hangin na 45 kilometro kada oras at pagbugso ng 55 kilometro kada oras.

Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal Number sa Catanduanes, Sorsogon (City of Sorsogon, Pilar, Castilla, Donsol), Albay, Camarines Sur, Camarines Norte, Masbate () including Burias Island, Laguna (San Pablo City, Rizal, Nagcarlan, Pila, Liliw, Magdalena, Majayjay, Luisiana, Cavinti, Pagsanjan, Santa Cruz, Lumban, Kalayaan, Paete, Pakil, Pangil, Siniloan, Famy, Santa Maria, Mabitac, Victoria), Aurora, Quezon including Pollilo Islands at Rizal (Tanay, Pililla, Jala-Jala).

Ayon sa Pagasa, nasa Caramoan, Camarines Sur ang bagyo mamayang 5:00 ng hapon.

Tinataya ng Pagasa na nasa Jomalig sa Quezon ang bagyo ng 5:00 ng umaga bukas at sa Gabaldon sa Nueva Ecija ng 5:00 ng hapon bukas.

TAGS: AMANG, Bagyo, news, Radyo Inquirer, AMANG, Bagyo, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.