Suspendido ang klase sa lahat ng level sa public at private schools sa Camarines Norte.
Ito ay dahil sa Tropical Depression Amang.
Ayon sa pahayag ni Governor Ricarte Padilla, sinuspendi ang klase dahil sa banta ng pagbaha at posibleng landslides.
Suspendido rin ang klase sa Catanduanes sa Albay at Camarines Sur sa lahat ng level sa public at private schools.
Suspendido rin ang klase sa pre-school hanggang senior high school sa Naga.
Wala ring pasok ang mga estudyante sa pre-school hanggang senior high school sa Sorsogon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.