Bahagyang bumagal ang Tropical Depression Amang.
Base sa 5:00 am advisory ng Pagasa, nanatili sa Lagonoy Gulf ang Tropical Depression Amang.
Namataan ang sentro ng Tropical Depression Amang sa coastal waters ng San Andres, Catanduanes.
Taglay ng bagyo ang hangin na 45 kilometro kada oras at may pagbugso sa 60 kilometro kada oras.
Patuloy na kumikilos ang bagyo sa westward direksyon sa bilis na 15 kilometro kada oras.
Nakataas pa rin ngayon ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 1 sa Catanduanes, Sorsogon, Albay, Camarines Sur, Camarines Norte, Ticao Island, Burias Island, eastern portion ng Laguna (San Pablo City, Rizal, Nagcarlan, Pila, Liliw, Magdalena, Majayjay, Luisiana, Cavinti, Pagsanjan, Santa Cruz, Lumban, Kalayaan, Paete, Pakil, Pangil, Siniloan, Famy, Santa Maria, Mabitac), Aurora, Quezon, eastern portion ng Rizal (Tanay, Pililla, Jala-Jala).
Tinatayang nasa bisinidad ng Labo, Camarines Norte ang bagyo mamayang 2:00 ng hapon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.