TCWS Signal No. 1 sa walong lalawigan dahil sa Bagyong Amang

Huling namataan ang bagyo sa distansiyang 250 kilometro silangan ng Daet, Camarines Norte.

Ayon sa PAGASA, taglay nito ang lakas ng hangin na 55 kilometro kada oras malapit sa gitna at ang bugso naman ay umaabot sa 70 kilometro kada oras.

Kumikilos ito patungo sa direksyon kanluran sa bilis na 30 kilometro kada oras patungo sa direksyon ng Bicol Region.

Hindi inaalis ang posibilidad na lalapag ito sa kalupaan sa susunod na siyam na oras.

Inaasahan din na mananatili ito bilang “tropical depression” ang magiging low pressure area sa darating na Huwebes o Biyernes.

Sa ngayon, nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa Catanduanes, Sorsogon, Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, Quezon Province kabilang ang Polillo Islands, Marinduque, Ticao Island, Burias Islang at Rizal.

Hindi isinasantabi ang pagbaha at pagguho ng lupa bunga ng malakas na buhos na ulan.

 

 

Read more...