Jobless Filipinos dumami noong Pebrero

By Jan Escosio April 11, 2023 - 06:01 PM

Lumubo sa 2.47 milyon ang bilang ng mga Filipino na walang trabaho noong buwan ng Pebrero.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), mas mataas ito sa 2.37 milyon na naitala noong nakaraang Enero.

Nangangahulugan, ayon pa sa ahensiya, na 4.8 percent ang jobless rate sa bansa noong Pebrero.

Paliwanag ni National Statistician Dennis Mapa sa 1.55 milyon na naghanap ng trabaho, 1.45 milyon lamang ang nakahanap ng trabaho.

Ngunit paglilinaw ni Mapa, bumubuti pa rin na maituturing ang “unemployment rate” sa bansa simula  nang maupo si Pangulong Marcos Jr.

Paliwanag pa niya kung magpapatuloy ang pagbawi sa mga istriktong regulasyon na kaakibat ng pandemya, mananatili sa 65% level ang “labor force participation rate.”

Nanatili naman sa 92.2% ang employment rate sa bansa o 48.8 milyon ang may trabaho.

 

TAGS: employment rate, jobless, psa, unemployment rate, employment rate, jobless, psa, unemployment rate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.