Mindoro fisherfolks na apektado ng oil spill sasanayin ng TESDA

By Jan Ecosio April 11, 2023 - 05:51 PM

TESDA PHOTO

Sasailalim sa pagsasanay ng  Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang mga mangingisda ng Oriental Mindoro na naapektuhan ng oil spill dulot ng paglubog ng MT Princess Empress.

Ang “re-skilling” at “upskilling” ng may 2.900 residente, ayon sa TESDA, ay gagawin sa pakikipagtulungan sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Ang mga sasailalim sa pagsasanay ay mula sa mga bayan ng Naujan, Pola, Pinamalayan, Gloria, Bansud, Bongabong, Roxas, Mansalay, at Bulalacao.

Kabilang sa mga pagsasanay ay Oil Spill Response Training; Meat and Fish Processing; Bread Making; Hog Raising; Dressmaking; Service Motorcycle Small Engine System; Small Engine Repair; Pastry Making; at Sugar Concentration.

Tiniyak ni TESDA Director Gen. Danilo  Cruz na handa silang magbigay tulong sa pamamagitan ng “skills training” at “livelihood programs” sa mga residente na lubhang naapektuhan ng oil spill.

Dagdag pa ni Cruz ang mga programa ay makakatulong sa mga benepisaryo na makahanap ng permanenteng pagkakakitaan.

“Hindi lang temporary employment ang ibinibigay ng DOLE, may component ‘yan na training. Bago ang temporary employment, kailangan ma-train din ang ating mga kababayan sapagkat after ng temporary employment, kailangan nilang magkaroon ng permanenteng trabaho.” aniya.

 

TAGS: fishermen, livelihood, Oil Spill, Tesda, training, fishermen, livelihood, Oil Spill, Tesda, training

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.