May kasong Japanese executive nakaalis ng Pilipinas

PDI PHOTO

Nagawang makaalis ng bansa ng isang Japanese national sa kabila nang nahaharap ito sa kasong estafa.

Bukod sa Fujifilm  Philippines executive na si Ryo Nagaoke, nakaalis din ng bansa ang iba pang opisyal ng kompaniya na sina Evan Reyes, Anil Jacob John, John Paul Camarillo, Dihesh Mehra, Atul Agrawal, at Erik Koh.

Ipinagharap lahat sila ng kasong  estafa na isinampa ng  Sunfu noong Oktubre 13, 2022.  Nakabinbin ang kaso sa Pasig City Regional Trial Court Branch 157.

Inaakusahan ng Sunfu ang Fujifilm executives ng criminal fraud at deceit dahil sa pag-iisyu ng First Tier Distributor Certificate noong Enero 6, 2022 na  nagbibigay awtorisasyon sa Sunfu na mag- distribute ng Fujifilm medical equipment para sa OFW Hospital and Diagnostic Center sa Pampanga.

Naging kumpiyansa ang Sunfu dahil sa Certificate na ibinigay ng Fujifilm ngunit nadiskubre  na hindi kinilala ng Fujifilm ang naturang kasunduan.

 

Read more...