Senate hearing sa Degamo slay case hindi magiging “kangaroo court” – Bato
Tiniyak ni Senator Ronald dela Rosa sa kampo ni Negros Oriental Representative Arnulfo Teves Jr. na hindi magiging “kangaroo court” ang ikakasang pagdinig tungkol sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.
Ayon sa senado, posibleng sa susunod na linggo ay magpapatawag na siya ng pagdinig tungkol sa kaso ng pamamaslang kay Degamo, kung saan isa sa isinasangkot si Teves.
Iginiit ng senador na iimbitahan nila sa naturang pagdinig si Teves para marinig ang kanyang panig tungkol sa mga alegasyon laban sa kanya.
Banggit pa ni dela Rosa na maaari namang dumalo sa Senate hearing si Teves sa pamamagitan ng video conferencing.
Nilinaw na rin agad nito, na hindi maaaring ang abogado ni Teves ang dumalo bilang kanyang kinatawan sa pagdinig.
Tiniyak rin ni dela rosa na sisiguruhin niyang hindi magagamit ang ikakasa nilang senate inquiry para sa political agenda ng mga kalaban ni Teves, na hindi naman na maaring i-contempt sakaling tanggihan ang imbitasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.