Pinuri ni Speaker Martin Romualdez ang mga kapwa mambabatas sa mataas na satisfaction rating ng Kamara base sa resulta ng Social Weather Stations (SWS) survey noong nakaraang Disyembre.
“This is a testament to the hard work and dedication of our legislators in serving the Filipino people during these challenging times. As the leader of the House of Representatives, I am proud of our members and their commitment to advancing pro-people legislative measures,” ani Romualdez.
Ayon pa kay Romualdez malaking karangalan sa kanya na makakuha ng “very good” satisfaction rating ang pinamumunuan niyang institusyon.
Kasabay nito pinasalamatan niya ang mga kapwa mambabatas sa suporta at pakikisama kayat nagagawa niyang maisulong at makatugon sa mga pangangailangan ng taumbayan.
“With all humility, thank you for the continued trust and confidence in me,” aniya patukoy sa mga kapwa mambabatas.
Nakakuha ng +55 rating ang Kamara sa SWS December survey. Magsisilbing inspirasyon para sa kanilang mga mambabatas ang mataas na survey rating para lalo pang magpurisige sa kanilang mga trabaho.
“We will continue to work tirelessly to help realize the 8-point socioeconomic agenda of President Marcos and deliver on our mandate to provide meaningful and responsive solutions meant to uplift the lives of the Filipino people,” sabi pa nito.