Dating partylist solon inaresto sa QC Hall of Justice
Hindi na nakapalag si dating Senior Citizens Partylist Representative Godofredo Arquiza nang arestuhin ng mga pulis sa Quezon City Hall of Justice kaninang umaga.
Base sa paunang sa Quezon City Police District dakong alas-11:30 nang isilbi kay Arquiza ang warrant of arrest.
Ang warrant of arrest ay inisyu ni Judge Trese Dionco Wenceslao, ng Cabanatuan City RTC Branch 28. Ang utos na pag-aresto kay Arquiza ay base sa kinahaharap nitong kasong paglabag sa Section 155 ng RA 8293 o Intellectual Property Code of the Philippines.
Nagtakda ang korte ng P18,000 piyansa para sa pansamantalang kalayaan ni Arquiza.
Bago arestuhin dumalo pa si Arquiza sa pagdinig ng kinahaharap nitong kasong perjury sa QC Metropolitan Trial Court Branch 38.
Sa naturang pagdinig sinubukan ni Arquiza na depensahan ang sarili ngunit hindi siya pinagbigyan ng korte sa kanyang mga hirit.
Nagtakda na lamang isa pang pagdinig sa kaso sa darating na Abril 18.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.