Libreng 50GB ng Globe puwedeng pagsaluhan ng pamilya

By Jan Escosio April 11, 2023 - 03:30 PM

Inihahandog ngayon ng Globe at Home Prepaid WiFi ang libre 50GB internet na maaring pagsaluhan ng buong pamilya.

Ang 50GB shareable internet ay sa pamamagitan ng FamSurf, na maaring pagsaluhan ng tatlong devices sa loob at labas ng bahay.

Sa bawat Globe At Home Prepaid WiFi na mabibili ng P999, malaking pakinabang  ang libreng 50GB shareable connection mula sa FamSURF199 na mayroon  23GB shareable data at 7GB na free data para sa streaming, chat, learning at earning apps.

Bukod pa dito, maaring maranasan ng mga customer ang mga reward at exclusive discounts kapag nirehistro nila ang bagong Home Prepaid WiFi SIM gamit ang GlobeOne app.

“Para sa convenient, sulit at shareable connectivity, inihahandog ng Globe sa pamilyang Pilipino ang FamSURF, kung saan maaaring i-share ang connection gamit ang inyong Home Prepaid WiFi device. With FamSURF na #LoadedSaLove, pwedeng i-share ni Mommy ang connectivity kay Daddy kapag work from home siya, o kay Ate at Kuya kung kailangan ng online research for school,” sabi ni Raymond Policarpio, vice president ng Globe At Home Broadband Business.

Dagdag pa niya, “Internet is life na talaga ngayon para sa madiskarteng Pinoy. Lahat ng pagsisikap na ginagawa nila ay para sa pamilya kaya naman suportado sila ng Globe at Home sa pagbibigay ng mabilis at maaasahang internet connection na hindi masakit sa bulsa.”

Palala lang nito n a kailangang irehistro ang mga Globe At Home Prepaid WiFi SIM sa ilalim ng SIM Card Registration Act. Sa Abril 26, 2023 na ang deadline kaya iparehistro na ang inyong mga SIM.

TAGS: Internet, pamilya, Internet, pamilya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.