10 opisyal ng PNP pinapipili ng bakasyon o suspensyon
Hinikayat ni Interior Secretary Benhur Abalos ang 10 opisyal ng pambansang pulisya na mag-leave of absence kaugnay sa isinagawang imbestigasyon sa pagkakakumpiska ng 990 kilo ng shabu sa isang anti-drug operation sa Maynila noong nakaraang Oktubre.
Ayon kay Abalos ang 10 opisyal ay nakita sa CCTV footage, na ebidensiya sa isinasagawang fact-finding investigation ng National Police Commission (Napolcom).
Hinala ng kalihim ng may malawakang pagtatangka ng “cover up” sa naturang operasyon na kinasasangkutan ni Police Master Sgt. Rodolfo Mayo, dating intelligence operative ng PNP Drug Enforcement Group.
“Parang iba ang nangyari dun sa mga report na na-file ng PNP kasama na ang mga dokumento at mga testimonials na ibinigay ng police officers. It shows that there is indeed a massive attempt to cover up the arrest of Master Sergeant Rodolfo Mayo, Jr.” Mayo is the owner of the lending office where the illegal drugs were seized,” ani Abalos.
Kamakailan ay inalis na sa serbisyo si Mayo at nahaharap pa siya sa mga kasong grave misconduct at conduct unbecoming of a police officer
Samantala, nakilala naman ang 10 opisyal na sina Lt. General Benjamin Santos, Jr., dating Deputy Chief PNP for Operations; Police Brig. Gen. Narciso Domingo, director ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG); Police Col. Julian Olonan,hepe ng PDEG Special Operations Unit (SOU) Region 4A; Capt. Jonathan Sosongco, hepe ng PDEG SOU 4A Arrest Team; PLtCol. Arnulfo Ibañez, OIC ng PDEG SOU NCR; Maj. Michael Angelo Salmingo, deputy chief ng PDEG SOU NCR; PLtCol. Glenn Gonzales, ng Quezon City Police District; PLt Ashrap Amerol, intelligence officer ng PDEG Intelligence and Foreign Liaison Dvision; PLtCol. Harry Lorenzo, Manila, Moriones Station commander; at PCapt. Randolph Piñon, hepe ng PDEG SOU 4A Intelligence Section.
Binigyan ni Abalos ang 10 ng hanggang ngayon linggo para maghain ng “leave of absence” habang isinasagawa ang pag-iimbestiga.
“Kung hindi magli-leave, sususpindehin natin sila,” diin ni Abalos, na naniniwala na may iba pang opisyal ng PNP ang sangkot.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.