Inflation noong buwan ng Marso, bumagal

Bumagal ang inflation noong buwan ng Marso.

Ayon sa Philippine Statistics Authority, nasa 7.6 percent ang inflation noong nakaraang buwan.

Mas mababa ito sa 8.6 percent na inflation na naitala noong Pebrero.

Mas mabagal ang 7.6 percent na inflation noong Marso kumpara sa 8 percent na forecast ng mga analysts at 7.8 percent na forecast ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

Ayon sa PSA, bumagal ang inflation dahil mabagal ang pagtaas ng presyo ng mga pagkain at non-alcohoolic beverages.

 

Read more...