Southbound lane ng C5 Libis Tunnel isinara dahil sa aksidente sangkot ang 2 trailer truck
Pansamantalang isinara ang southbound lane ng C5 Libis Tunnel dahil sa naganap na aksidente kaninang madaling araw.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), alas 4:38 ng madaling araw nang isara sa daloy ng trapiko ang nasabing lugar dahil bumara sa dalawang lane ang dalawang trailer truck.
Isa sa mga trailer truck umano ang nasiraan at nakahinto sa lugar nang ito ay banggain ng isa pang trailer truck.
Dahil dito, nagsikip ang daloy ng trapiko sa lugar sa kasagagan ng rush hour.
Alas 6:30 naman ng umaga nang maialis sa tunnel ang isa sa dalawang trailer truck at mabuksan na sa mga motorista ang isang lane.
Umabot hanggang sa VC5 – Aurora boulevard ang tail end ng traffic bunsod ng nasabing aksidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.