Walang untoward incident na naitatala ang Philippine National Police sa panahon ng Semana Santa.
Ayon kay PNP spokesman Colonel Jean Fajardo, mula noong nakaraang linggo na monitoring, maayos naman aniya ang mga lugar na binabantayan ng kanilang hanay.
Nasa 78,000 na pulis ang ipinakalat ng PNP.
Partikular aniya na babantayan ng PNP ang mga matataong lugar gaya ng mga simbahan, bus terminal, pantala, airport at iba pa.
Sa ngayon aniya, naka-heightened alert status ang buong puwera ng PNP.
“Mula noong ating nakaraang linggo na monitoring ay wala pa naman po tayong naitatala na any untoward incident doon sa mga lugar na ating binabantayan. Sa ngayon ay naka-heightened alert na po ang Pambansang Pulisya at iyong ating idineploy na mga more or less 78,000 na PNP personnel nationwide ay nandoon na rin po, doon sa kanilang mga designated assignments po,” pahayag ni Fajardo.