8 sa 10 bilanggo na tumakas sa Pasay City, nahuli na

Naaresto na ng Pasay City police ang walo sa 10 presong tumakas sa Pasay City Jail.

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Philippine National Police spokesman Colonel Jean Fajardo, nilagare ng mga preso ang rehas kung kaya nakatakas ang mga ito.

Sabi ni Fajardo, karamihan sa mga tumakas ay nahaharap sa kasong illegal na drogra, robbery at illegal gambling.

Patuloy naman aniyang pinaghahanap ng mga pulis ang dalawang pugante.

Kabilang sa mga naaresto na ay sina Carlo Magno, Romeo Estopa, Christian Salvatierra, Joey Hernandez, Eden Garcia, Tirzo Galit, Joshua Panganiban at John Michael Cabe.

Tuloy naman ang manhunt operation laban sa dalawang pugante na sina Norman Deyta at Richard dela Cruz.

 

Read more...