Bilang ng bagong COVID 19 cases tumataas – DOH

By Jan Escosio April 03, 2023 - 10:56 PM
Ilang araw bago ang Semana Santa, tumaas muli ang bilang ng naitatalang bagong kaso ng COVID 19 sa bansa. Base sa impormasyon na inilabas ng Department of Health (DOH), mula Marso 27 hanggang kahapon, Abril 2, 1,721 bagong kaso ng COVID 19 ang naitala. Bunga nito, ang bagong daily average ng kaso ay 246, na mataas ng 33 porsiyento kumpara sa naitala sa sinundan na linggo. Sa mga bagong kaso, 13 ang makubha at kritikal ang kondisyon. Karagdagang 58 din ang namatay dahil sa naturang sakit, ngunit wala noong Marso 27 hanggang Abril 2.

TAGS: COVID-19, critical, doh, severe, COVID-19, critical, doh, severe

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.