TLC Village ginawang pook-dalanginan ng Taguig LGU ngayon Semana Santa

By Jan Escosio April 03, 2023 - 10:49 PM
Upang magkaroon ang mga residente ng Taguig City ng lugar para sa kanilang pagninilay-nilay ngayon Semana Santa, binuksan ng pamahalaang-lungsod ang TLC Village.   Tampok sa lugar, na matatagpuan sa Lakeshore Laguna Lake Highway, ang “The Life of Christ.”   Pinangunahan nina Sen. Alan Peter Cayetano at Mayor Lani Cayetano ang pagbubukas ng natatanging lugar-dalanginan.   Sinabi ni Mayor Cayetano na pagsusumikapan nila na sa mga darating na Semana Santa ay magagawa muli nila ang naturang proyekto.   “Kaisa nila ang pamahaalang-lungsod ng Taguig sa pag-observe sa napakahalagang selebrasyon sa mga Filipino, ang Mahal na Araw all over the world makikita po ninyo sa Pilipinas talagang hanggang ngayon moderno na ang panahon pero patuloy na pinahahalagahan ay inirerespeto ito,” aniya.   Dagdag pa ng opisyal, binuksan nila ang parke para hindi lumayo o dumayo sa ibang lugar ang mga residente at gumastos pa ngayon mahirap pa rin ang buhay ng nakakarami.   Tampok sa parke ang Station of the Cross, na ayon kay Mayor Cayetano, ay lugar kung saan  maaring pagnilayan ang pinagdaanan ng Panginoong Hesus Kristo hanggang sa tubusin niya ang sa Krus ang kasalanan ng sanlibutan.   Para naman kay Sen. Cayetano, tamang panahon ang Semana Santa para sa ninanais na pagbabago at dapat aniya ito ay magsimula muna sa sarili.   “Lets use Holy Week na magkaroon ng inward na reflection at yung pagbabago sa loob. Kung ang Diyos, sariling anak ang handog para sa kabuhayan siguro naman po kahit gaano kahirap na magbago lalo po dun sa mga sinasabing alam natin mali pero kasi nakasanayan na siguro Holy Week is the good time to think and dwell about that,” sabi ng senador.   Matutunghayan din ng mga bibisita sa parke ang photo exhibit, art installations at prayer boxes.   Bukas ang parke simula alas-8 ng umaga hanggang alas-10 ng gabi hanggang sa Pasko ng Pagkabuhay, araw ng Linggo, Abril 9.

TAGS: Semana Santa, taguig, Semana Santa, taguig

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.