Degamo killing iimbestigahan ng komite ni Bato dela Rosa

By Jan Escosio April 03, 2023 - 07:10 PM
Itinakda na ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs sa April 17 ang ipagdinig sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo ar walong iba pa. Ang pagkasa ng imbestigasyon ng Senado ukol sa pagpatay kay  Degamo ay base sa kahilingan ni Pamplona Mayor Janice Degamo, maybahay ng pinaslang na gobernador. Matatandaang sinuspindi muna ng komite noong Marso ang dapat sana’y imbestigasyon sa kaso ng pagpatay kay Degamo dahil na rin sa hiling ng Department of Justice (DOJ) na pagtibayin muna ang mga kaso at maaresto ang mga akusado sa pagpatay sa opisyal. Nauna nang sinabi ni Sen  Ronald  dela Rosa, ang namumuno sa komite,  na kahit naka-session break ay magpapatawag pa rin siya ng pagdinig sa kasong ito. Si Sen. Risa Hontiveros ay inihain ang isang resolusyon na humihiling sa kaukulang komite sa Senado na maglunsad ng imbestigasyon ‘in aid of legislation’ kaugnay sa magkakasunod na kaso ng pagpatay kay Degamo at sa iba pang mga lokal na pamahalaang opisyal.

TAGS: Gov. Roel Degamo, public order, Senate, Gov. Roel Degamo, public order, Senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.