Edukasyon at pagsasanay ng Filipino seafarers hiniling na pagbutihin

By Jan Escosio April 03, 2023 - 06:49 PM

PDI PHOTO
Inihirit ng ilang senador sa gobyerno partikular sa mga maritime authorities na pag-ibayuhin ang edukasyon at pagsasanay ng mga Filipino seafarers. Ginawa ang apila matapos mag-desisyon ang European Union (EU) na patuloy na kilalanin pa rin ang sertipiko na iniisyu sa mga Filipino seafarers matapos ang higit isang taon na paghihintay. Ikinalugod nina Senate Majority Leader Joel Villanueva at Senator Grace Poe ang magandang balita na patuloy na pagkilala ng EU sa mga marinong Filipino  dahil nakasisiguro pa rin ang hanapbuhay sa 50,000 Filipino masters at officers na kasalukuyang naglalayag sa mga European shipping industry. Sinabi ni Villanueva na dahil sa pasyang ito ng EU ay tiwala siyang ipagpapatuloy ng Maritime Industry Authority (MARINA) ang mga hakbang para mapaghusay pa ang kakayahan ng mga seafarers sa patuloy na pagtalima sa International Convention on Standards of Training, Certification and Watchkeeping for Seafarers (STCW). Pinakikilos naman ni Poe ang gobyerno katuwang ang pribadong sektor na paigtingin pa ang mga efforts o pamamaraan para itaas ang kalidad ng mga pagsasanay at tugunan ang mga isyung inilapit ng European Maritime Safety Agency tungkol sa mga Pinoy seafarers. Para kay Poe, ang magandang kalidad ng maritime education na ibinibigay sa ating mga seafarers ay titiyak sa kaligtasan ng mga mga byahero at nagbibigay garantiya sa magandang kinabukasan ng mga Filipino seafarers.

TAGS: eu, filipino, MARINA, seafarers, eu, filipino, MARINA, seafarers

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.